Siya na kaya ang huli at wala ng iba…
 |
Me and My First Love |
“Oo”…
“Unsa?(Ano)?”
“Ana ko, oo..(Sabi ko, oo)”
“Huh?”
“Oo nga!..Kita na!( tayo na)”
“Tinuod na Saj?(Totoo ba ‘yan Saj?)”
“Hmmph… oo?”
Napatalon sa sobrang tuwa si Ariel. Siya lang naman ang aking “first boyfriend”. Sino bang mag-aakalaing papasok ako sa ganitong sitwasyon kung pwede nga lang ibalik ang panahon, irewind kumbaga, na sana di ko na lang sya sinagot. Ngunit, ang sagot kong iyon ay di ko pinagsisihan kahit noong unang araw na naging kami at noong muntikan pa kaming maghiwalay kase I realized ang hirap mag-adjust at di ko pa pala kaya…
Marahil naninibago ako o di kaya’y naguguluhan….. Akala ko kase ‘pag sinagot mo na siya at binigay mo ‘yong gusto nila, matatapos na ang lahat…. Isang malaking responsilidad pala ang kaakibat nito… Akala ko, sa school lang may rules and regulations but when you are in a relationship pala, there are also things to be followed… For example… kelangan sabay kayong umuwi in short kelangan mo syang hintayin at kelang magpaalam ka lage sa kanya kung san ka pupunta kahit sa CR ka pa pumunta… Ganito pala… ang daming kelangang tandaan.. Bawat galaw mo must always be reported at ang hirap pa sa lahat, nakikita at napapansin niya lahat ng galaw mo laolo na ‘pag magkaklase kayo… Kung minsan nga naiilang ako… Di ko nagawa ‘yong gusto kong gawin… Kasi baka ano pa ang sabihin ng iba…
Akala ko, di rin kami tatagal, malapit na kasi ang graduation day ng sinagot ko siya… Akala ko rin, pagkatapos ng graduation day, tapos na rin ang lahat….
Alam kong nasaktan ko siya kase sa simula’t sapul pa ay wala naman akong nararamdamang special feeling sa kanya…… Kumbaga, di sya ‘yong tipo ng lalaki na gusto ko. Mismo sa sarili ko, di ko alam kung ba’t ko ba sya sinagot. At that point kasi, iniisip ko, why not give him a chance, mabait naman sya, matutunan ko rin syang mahalin gaya ng pagmamahal ko para sa malapit nyang kaibigan…
Sabi nga nila, baka nga raw, I just took him for grante. Kung anuman ang nangyari, di ko sinasadya. Marahil, naghihinayang ako nung naging kami ngunit pagdaan ng panahon…
Natutunan ko rin syang mahalin. Di naman pala siya mahirap mahalin. Bigla ko na lang naramdaman na gusto ko na pala siya…
Kahit di nya gaanung pinaparamdam sa akin, nararamdam ko naman ang love and care nya para sa akin… Kahit limang buwan lang nagtagal an gaming relationship, one month that we’d seen one another and the rest are long distance communication…..
Naparamdam ko rin sa kanya sa konting panahon na ‘yun ang pagmamahal na kahit kelan di ko naiparamdam sa isang guy… Satisfy na kasi ako sa pacrush-crush lang… hehehehe…
He’s very good to me kahit maraming naghihinayang sa aming break-up… What’s important is, we still become friends despite of the fact na ‘di na kami…
‘Lam kong napakadali para sa aking mahalin sya, at ang masakit pa rito’y…..madali ring nawala ang pagmamahal ko para sa kanya…
Thank you Iel… You taught me how to love and made me feel how does it feel to be valued…
Thank you Iel/Ar2x/My nobody…