BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

You Belong...

Sunday, November 7, 2010

Isang Tula



Pagkakaibigan at Pag-ibig
Ni: Renelyn B. Sajulga

Pag-ibig ay sadyang mapagbiro
Bigla-biglang dumarating, dumaraan sa buhay ng tao
Sa pagdaan ng panahon iyong mapagtatanto
Ang wagas at tapat na pag-ibig kelanma’y ‘di susuko.

Kaysakit isipin, kayhirap tanggapin
Ang pagkakaibigang namuo’y masisira ng dahil sa isang pagtingin
Aakalain mong ito’y mawawala rin
Samahang nabuo maibabalik pa ba natin?
Kung kapalit nito’y, kelangan mo syang mahalin.

Nakakapanibugho, nakakapaghinayang
Hanggang dito na lang ba tayo mahal kong kaibigan?
Pasakit at kaligayahang ating pinagsaluhan
Ibabaon na lang ba sa alaala ng ating nakaraan?

Nagbago man ang dating samahan
Tunay na pagkakaibigan, wala pa ring iwanan
Sa kabila ng dagok, ako’y andyan lang
Mananatili tayong magkaibigan, magpakailanman.

Ito ay para sa isang taong naging bahagi ng aking buhay… Kelanman ‘di kita malilimutan at ang bawat sandali na tayo’y magkasama’y  mananatili sa aking puso’t isipan.
P.S.  
 Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao ‘pag wala na siya.

0 comments: