BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

You Belong...

Thursday, November 18, 2010

The 3R

My Bestfriends


            Sino nga ba ang mag-aakalain na kaming tatlo ay magiging mag-“bestfriends”? Kung ikukumpara lang naman ang pag-uugali ng bawat isa, ‘di aakalaing kaming tatlo ay mapagsama-sama. Si Raymon na kilalang pinakamaingay sa aming samahan. He’s always updated sa mga news either in showbiz, current events at maging tsismis at chicka sa school campus. “Di siya nauubusan ng energy sa kakukwento at ang nakakatawa pa rito’y he’s really a good friend though maraming tao ang nagdidiscriminate sa kanya kase nga raw, “bakla sya.” Pero di naman ang kasarian ang basehan ng real friendship, di buh?
            Samantalang si Regine ang tinaguriang “Einstein” or let’s say “Aristotle” sa grupo dahil nga naman sa taglay nitong talino. Maniwala ka man o sa hindi, magaling sya sa lahat ng mga asignatura mapa-agham, matematika, kasaysayan at iba pa. Napakagaling nya pagdating sa non-verbal abilities ‘yun nga lang napakamahiyain. Kaya ‘di sya masyadong napapansin sa klase lalo na when it comes to oral recitation.
            Ngunit sa kabila nito, ‘di rin naman ang intellectual capacity ng isang tao ang batayan ng magandang pagsasamahan. Kung ako ang tatanungin, ang mahalaga lang naman ay masaya kayo na kasama ang isa’t isa kahit na sabihin pa nilang “We have our own world nag raw” kaya there are times…‘di nila kami maintindihan…But, it doesn’t matter… Simple lang naman ang mga kaibigan ko. Very ordinary pero kakaiba. Sa dami-rami  nga ba naman ng mga kakilala ko, sila lang naman ang mga taong tinanggap ako ng buong-buo sa kabila ng aking mga kapintasan. Di naman ako mabait at di rin naman gaanung matalino. Isa nga raw ako sa pinakatahimik sa classroom na di rin masyadong friendly…
Kung minsan nga, meron kaming nagagawa na di naming kayang gawin sa harap ng tao. Gumagawa kami ng  sarili naming libangan na kami-kami lang din ang nagkakaintindihan……
Minsan, soundtrip,pakanta-kanta, kung minsan naman ay trivia quiz, patanong-patanong, pasagot-sagot… Hehehehe .. Kung wala ng ibang katuwaan, pajoke-joke kahit corny….
            Sa loob ng isang taon, marami na kaming napagdaanan. Nag-umpisa sa pagpapakilala sa sarili, di pagkakaintindihan, tampuhan, asaran maging sa kaligayahan…..
            Ngunit, Kahit ganun pa man at kelangan na naming magpaalam, di hadlang ang graduation day, maging anupaman upang sirain an gaming samahan…
            Kahit malayo kami sa isa’t isa, si Regine, si Raymon at ako ay mananatiling 3R, umulan man o bumagyo…










0 comments: